Miyerkules, Agosto 14, 2013

Wika Natin ang Daang Matuwid

Agosto, ang buwan kung saan tayong mga Pilipino ay nagdiriwang sa deklarasyon ng wikang pambansa sa pagdeklara ng wikang pambansa. Mula pa noong panahon ng Commonwealth kung saan idineklara ni Manuel Quezon na ang wikang tagalog ang ating magiging pambansang wika. Naging tradisyon na natin na magdiwang tuwing sumapit ito. At taun-taon ay may temang inilalabas ang pamahalaan. Sa taong ito, ang tema ay ang " Wika natin ang daang Matuwid" na may kinalaman sa kataga ng ating pamahalaan ngayon.

Patungkol sa tema, ang wika ang magiging tulay upang tumungo tayo sa tuwid na daan, Wika ang magbubuklod sa buong katauhan. Mag-uugnay ito sa atin tungo sa mas malalim na pagkakaintiondihan na maaaring maging susi sa pag-unlad ng bansa. Kung susuriin, mayroong iba't- ibang wika sa bawat parte ng bansa. Nariyan ang Ilocano sa Ilocos, Cebuano sa Cebu, Pangasinense sa Pangasinan, Kapangpngan sa Pampanga, at marami pang iba. Halo halo ang wika natin noon ngunit dahil sa wikang pinag-isa ng panahon at nagkaroon ng pagkakaintindihan ang bawat Rehiyon. Dito makikita na ang wika ay mahalaga at ito ang magiging susi sa tungo sa tuwid na daan.

It will always be a part in every Nation's progress. Because language is key to global understanding between every part of the country and yet to be valued properly.